CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, September 28, 2007

Mga munti kong angel
Handog ng langit
Sa aking abang buhay
Na tunay na pinagpala

Una si Kuya
Makisig at masaya
Si bunso ang sumunod
Animoy manika.

Tanging kasiyahan
Ang sila ay pagmasdan
Sa kanilang paglaki
na nagmamahalan

Dalangin ko sa Diyos
Na sila ay pagpalain
Maging malapit
sa puso at damdamin

Pagtutulungan sa panahon ng hirap
Matutong magpasalamat sa panahon ng sarap
Naway si Kuya maging maalaga sa kapatid na bata
At si bunso naman sana sa Kuya laging maniwala.

Sa aking pagpanaw
Sa mundong ibabaw
Kayong dalawa aking pamana
Sa sangkatauhan na may tangan na pag asa

0 comments: