CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, May 10, 2008

Isang pagkilala sa Isang Bukudtanging Ina


Minsan sa gitna ng sangkalawakan
May isang silid na puno ng kabataan
Inosenteng malay, salat sa karunungan
Mga magulang, umaasang sila ay matutulungan.

Ipinagkaloob at binigyang tiwala
Pangalawang magulang
na syang pupuno sa ano mang pagkukulang
Si titser Julie isa sa mga hulog ng langit
Kahit minsan ay may pagkamasungit.

Naging ina ng 50 bata sa loob ng silid aralan
Naging ina ng 2 musmos sa kanyang tahanan
Mga batang lugod na pinagpala
Pinagkalooban ng isang guro at ina, masipag at maasahan.

May mga araw na sadyang mahirap
Para kay titser Julie sa klase humarap
Problema ng buhay kung minsan masaklap
Pero sa mga mukha ng musmos na walang inaalala
Naging aliw at kanlungan sa kanyang mga problema.

Mga araw na kasama ang mga bata
Mga araw na makulay at sadyang ka ayaaya
Tanungin man ang mga bata sa bawat grado
Di makakalimutan, inspirasyon niya at turo.

Kaya sa iyo, titser at inang Julie,
Itinataas ko aking dobleng papuri
Tunay na ina na dapat ipagmalaki at bukudtangi
Biyaya sa sangkatauhan, tanggapin ang aking malugod na pagbati!

Maligayang araw ng mga Ina.

2 comments:

Anonymous said...

Minsan may nagsabi,
Sa paaralan, ang guro ay magulang
Sa tahanan, ang magulang ay guro
Tungkuling nagbibigay luha sa mga mata at ngiti sa mga labi

Sadyang itinadhana, iginuhit
Ng kapalaran at Poong Maykapal
Na kahit tumbasan ng kayamanan
Sadyang di maaaring ipagpalit.

Napakaganda ng iyong isinulat na tula. Ipinakikita dito ang pakikibaka niya bilang guro at magulang na sadyang makulay at ng iyong papuri at paghanga. Walang kaduda-dudang lubos ang kanyang kaligayahan sa mga salitang nakapagbibigay ng lakas, pag-asa at gabay.

EM said...

Salamat Juleste!

Masaya naman ako at nagustuhan mo din. Para sa akin, ang mga guro ang siyang tunay na bayaning ina. Kaya sa araw ng mga ina...sila ang bida. Kung naging malapit lang sana sya...

Salamat ulit...