Oras na naman ng meeting
Siniguradong may bitbit na kape
Pangalawa tasa na kaya umaasang gising
Upang di maidlip at tuluyang masisante
Siguro naparami ang aking nainom kasi
Sa upuan napansin, sarili’y di mapakali
Habang nag-e-explain puti kong katabi
Ako nama'y ikot ng ikot sa silya tila atubili.
“Ouch!” sa gitna ng kanyang speech biglang nyang bulalas!
“Ay! Did I just kick you?” sabi ko, pati ako nabigla!
Di kaya yung katabi nya sa kabila??ops wala pala.
“ Sorry, sorry”..tangi kong sambit
ako nga iyon ngunit di alam kung bakit.
Baka daw di ko gusto kanyang binibida
O may nabigkas na di kaaya aya?
Lahat po ng nasa meeting naghagalpakan ng tawa
Habang ang mukha ko pulang pula
Dyaskeng kape yan ako’y pinahiya
Magaling sa una, pagkatapos ay papalya
Kwidaw ako ngayon pagkat namumuro na.
Sa meeting pirmi nalang napupuna.
Pineapple Curry
1 day ago
2 comments:
Walang pakundangan ang iyong kape pero sadyang ganyan dahil ang papel nila sa buhay ay mapanatiling gising ang diwa ng mga uma-attend ng meeting. Kung naging hyper-active man ang iyong isipan at nagpa-ikot ikot ka sa iyong inuupuan, hanggang sa magulat na lang ang iyong katabi, marahil ito ay nagpapahiwatig lamang na tagumpay ang misyon ng kapeng iyong nainom.
Sa palagay ko ay tama ka. Naghahanap lang ako ng masisisi at kape ang napagdiskitahan. Pero talagang nakakatawa sya...naalala ko pa rin hanggang ngayon.
Post a Comment