CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, July 31, 2008

Sino ang Baliw? .... hmmmm...

Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang

Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan

May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan

Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw awit na walang laman

Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal

May isang hindi baliw, iba ang awit na alam

Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw

Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag

Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit

Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit

May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas

Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw

Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag

Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Ooh.....Ahh.......

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw

Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw

Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay

Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal

Sinong dakila Sino ang tunay na baliw

Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag

Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos

Kaya't sino, sino, sino nga

Sino nga ba Sino nga ba Sino nga ba ang tunay na baliw

-----------------------

Very powerful song! Sanity check! Or more like reality check!

6 comments:

Anonymous said...

Ang pagiging baliw ay nasa interpretasyon. May mga nilalang na minsan ay napagbintangang 'baliw' sapagkat sila ay nagtataglay ng mga kaalamang kakaiba sa panahon na kanilang kinagisnan, halimbawa ay si Leonardo da Vinci, Vincent Van Gogh, Jose Rizal, Andres Bonifacio, atbp.

Subalit may mga baliw na dapat talaga magsuot ng straight jacket at dalhin sa Mandaluyong, sa loob ha! Sila ay ang mga talamak na umaalipusta sa ating mga kababayan at lipunan.

Sino ang Baliw? Piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod:

A. Yung nag-deliver ng SONA last Monday;

B. Yung mga nagtuturuan sa paglubog ng mga barko ng Sulpicio Lines

C. Yung mga nagbabatuhang ng akusasyon tungkol sa 50-M bribe

D. Lahat ng nabanggit

Oman said...

tagal ko na di naririnig song na to. hmmm. sino nga ba baliw? yung nakakalat sa kalye na marumi damit o yung mga corrupt na tao sa gobyerno?

EM said...

hehe...may ibig sabihin ang iyong mga salita Juleste! Kasingtulad ng kanta. Walang dapat ikabahala sa mga napagbibintangang baliw o tunay na baliw... mas matakot sa mga taong may tagong kabaliwan sa kalooban.

Sa iyong munting pagsusulit.. and sagot ko ay naghuhumiyaw na D. Walang pag aalinlangan.

salamat sa pagbisita

EM said...

Hi Lawstud!

tama ka... palaisipan nga...pero madaling sagutin.

Salamat sa iyong pag dalaw. Malaking bagay ... ang magkaroon ng bisita na galing sa paraiso (kainggit inggit). Munting pagsilip mula sa ulap na kinalalagyan.. salamat ulit.

EM said...

Thank you Anonymous. I have been neglecting this blog lately. Unintentionally though... but i do try to continue. Thanks for dropping a line...

Anonymous said...

Hi readers
Do not miss your chance to get a free ipad. Visit http://bit.ly/d9QOON