CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, June 4, 2008

Hindi Ko Na Alam

Kay tagal na lumipas ang panahon
Ang nakaraan ay tila panaginip
Di ko na matandaan sa tinagaltagal
Mga rosas na alaala
Totoo ba o kathang isip lamang

Paano na ngaba ang magmahal?
Lalo na kung paano mahalin?
Mula ng masaktan at dayain
Sa laro ng puso sumumpang di bibigyang pansin.

Puso ay sadyang parang bato
Damdamin malamig na tila yelo
Hindi sa ako’y nagrereklamo
Nasanay na at ako ay kuntento.

Ngunit sa likod ng aking gunita
Bahagya at matulin na parang bula
May alab at pitik ng kaba
Damdaming kakaiba.

Mabilis at saglit
Darating at mawawalang ring bigla
Ano kaya yon at bakit ganoon?
Saan ito patungo at saan paroroon?

Hindi ko na alam
Hindi ko na alam
Kung paano ang mahalin
O di kaya’y magmahal.



---------------------------------------------------------

Ang tula ay kathang isip lamang po. :) Kung may natamaan...hindi po ako yun!!! LOL

2 comments:

juleste said...

Isa sa mga tinamaan ay nagwika:

Buti pa ang key, may board;
Ang mouse, may click;
Ang wi-, may fi;
Ang Windows, may XP na, may Vista pa..

Buti pa ang katha, may isip;
Ang gunita, may likod;
Ang lumipas, may nakaraan;
Ang damdamin, may alab na, may pitik pa..

Pero ang ako, walang ikaw..

EM said...

Masyadong malalim ang iyong tula.
pero huwag malumbay... sapagkat ang ako langing may ikaw... :)


ingat!